sa wakas! naka open ang fan pati ung window tapos walang fever. after almost 6 days of prednisone I guess everything paid off. pero may 3 weeks pa ako para magtake ng prednisone so I still need to be constant vigilant. besides, it's my immune system that is being monitored. every after meal i try to eat fruits. tapos yung sleep ko nagiging 7 hours na sya complete sleep from 11 pm to 6 am-ish to 7ish. so sakto lang for breakfast. kaya lang wala pa rin ung kasambahay namin kaya patalo pa din breakfast ko hindi ko alam kung san kukuha. Praise God kasi mukhang everything is going well na. I just don't know minsan sa mga doctors why are they playing safe if they read it somewhere. I mean tulad na lamang nung doctor dun sa hub ko. he wants me to be confined to think puede naman OPD ang pagbibigay ng streroids. as a matter of fact that's the point of the steroids treatment to avoid and prevent hospitalization. mabuti na lamang at yung infectious disease doctor ko sa dating Ospital na text ko at narecommend ako na bgyan ako ng prednisone for weeks which is nababasa ko na talga prior. ang kailangan ko lang is isang ID na magsasabi sa akin ng gagagwin. at the end of 4 weeks, kailangan mabayaran ko si doktora or mabigyan ko ng regalo sa clinic nya. nawa'y magtuloy tuloy na in 4 weeks time. Thank you Lord.
Thursday, 28 February 2013
Wednesday, 27 February 2013
Meds Mixed Up
i mixed up my meds last night!! mali nainom ko! grabe panic attack. i took the missed meds agad as soon as possible. it's been about 5 days already since i've been taking prednisone and I tried pushing the limits by turning on the air-con tsaka medyo itapat ng kaunti sa akin un fan. mali pala nag breakdown ako ng fever around 38C kagabi so meaning hindi pa talaga puede. I need to endure yung pagiging mainit sa gabi. hanggang kailan ko kaya kailangan inumin ung prednisone? sabi sa literature 1 month. pero the way things are going mukhang kailangan longer.
Oo nga pala talked to my parents already medyo kumalma na sila nung nagkausap sila ng tita ko. siguro nasabbi naman na hindi naman ako grabe sa payat at bed ridden and all. kailangan ko lang talaga is uminom ng gamot para sa TB pagktapos after 6 months hopefully magaling na ako. very supportive naman sila lalo na sa financial. buti na lang dahil wala na rin akong halos naipon naubos na hindi ko alam kung bakit. dami ko pang binababayaran na ca credit card na hopefully etong pag quit ko e mabayaran ko na muna within 6 months. hay. 6 months wala akong ginagawa. either dahil sa TB kasi or dahil sa CD4. saan kaya ako puede makapagpa CD4 na hindi kailangan ng doctor's orders? just reminds me asikasuhin ko pa pala ung philhealth ko within the next 3 months. sana maayos ko to lahat lahat bago makarating sina mommy and daddy dito sa March. Gusto kong bumuti at makaattend sa graduation ng kapatid ko sana. kaya lang 2nd month ko pa ung malalalaman yun e. genexpert pa din kaya kailangan ko or ung regular na AFB na lang, kasi sa regular na AFB nagne-negative ako e. sa geneexpert lang naman ako nahuli. Ah basta as of now these are the things na kailangan ko: (1) gain weight (2) improve my immune system (3) inom lang ng meds (4) hopefully I can survive TB iris. (5) tsaka pala maligo. nagising ako na nilalalangaw na ako (ewwww) one day pa lang naman akong hindi naliligo. pero siempre pinagpapawisan kasi ako so I think kailangan ko na maligo inaa-asseess ko pa kung puede na ba akong maligo siempre. buti nga ngayon mga 2 or 3 days straight na ako nakakatulog ng maayos in spite of the of the meds i'm taking. hopefully. magtuloy tuloy tuloy na. To God be the Glory
Tuesday, 26 February 2013
Pagbisita ni Tita
dumaan tita ko kagabi. medyo relieved ako dahil kahit papaano makikita na ng dad and mom ko na wala naman masyadong ika worry sa sakit ko. i just need to gain some weight that's all. pero yun nga nga lang it'll take a while. nagdala sya ng madaming prutas at mga pang nilaga. yun yun ung gusto ko ngaun e. yung mga may sabaw dahil minsan nasususka ko. well, at least hindi pa naman ako totatally nasuka. yung feeling lang na naduduwal kapag kumakain. pag nagbigay naman kasi sila ng kanin gabundok. iniisip ko, kailangan ko ata is protein hindi masyado sa carbo. kasi nagiging fat lang sa tyan lalo na't prone ako sa lipodystrophy. kailangan ko makabili ng protein shake pero nde ko alam kung papaano. susubukan kong lumabas later. wala na rin kasing tubig tyaka bibili pa ako ng gamot. naubusan na ako ng prednisone e sa Mercury Drug lang nabibili yung ganun. kaya lang nag fever kasi ako kahapon ng umaga tsaka kagabi kaya let's see kung kaya ko.
"..in that day, i will restore the fallen house of David, i will repair its damaged walls From the ruins I will rebuild it and restoree its former glory and Israel will possess what is left of Edom and all the nations I have called to be mine. The Lord has spoken and He will do these things..." [Amos 9:11-12]
Monday, 25 February 2013
another oh noes
patay even tita is getting overly concerned na. nagtext ba naman this morning and she wants to bring me to St. Luke's for second opinion. baka pag dinala nya pa ako dun may makita pa sila dun. wala na it baka kailangan i disclose ko na sa family ko. pero sa tita ko hindi ko sasasabihin ayaw ko sana sabihin outside ng family if ever na idi-disclose ko pero as long as we're still treating TB go lang. i'll stick with the TB diagnosis. yun naman talaga ang diagnosis sa akin e. nagkataon lang na nagka TB iris ako. hopefully everything will be ok after the one month prednisone treatment. i'm still on my 4th day pa lang naman e and i'm seeing some results na. though some literature says that symptoms recur after a month of prednisone treatment. naway hindi mangyari sa akin yun. kailangan ko lang palakasin immune system ko to fight off the infection
Sunday, 24 February 2013
Oh noes
parents are getting haywire again. i mean. sabi ko na nga sa kanila na nagti-treat ako for TB kaya i lost some weight. natatakot na naman sila. uuwi pa ng maaga ang mom ko. yung dad ko gustong umuwi ng maaga from africa para lang daw makita ako. ang sa akin naman basahin nila yung treatment ng TB at manifestations ng TB para at least alam nila yung nangyayayri. alam naman nila na 6 months ang gamutan na to e. tapos saka ka ngayon lalalakas. last time na nagtimbang naman ako naglalaro sa 49 kg- 50 kg BMI 18.8 which is almost underweight pero the point is lumlalakas na ako. ang problema ko lang etong TB IRIS. nagpre-predisone na ako third day na 35 mg twice a day. Paktatapos nun eto pang effect ng efavirenz na hindi ako makatulog sa gabi matapos kung inumin. akala ko ba nakakaantok ang efavirenz? any tips naman dyan para mapigil ang effect ng efavirenz sa pagtulog? i'm taking lamivudine tenofovir at efavirenz e. sa efavirenz ata ako nagkakagulo ang buhay ko hahhahaa
Do You Believe in Miracles?
ako OO. ilang beses na akong nakaranas ng miracles.
last time nung muntik ng mabanga yung sasakyan ko. miracle sa akin yun. lalo na yung nabangga yung sasakyan ko. miracle sa akin yun at ligtas ako. pero isang miracle sa akin ay eto andito ako ngayon nagbla-blog ulit. hindi dahil sa wala na naman akong ginagawa kung hindi dahil kahit papaano matapos ang halos anim na buwan na bout ng diarrhea dahil sa HIV, at ngayon may TB IRIS ay malakas lakas na ako upang makapag kwento ulit, makapagshare ulit kung sino man ang gustong makinig.
alam kung magtutuloy tuloy na to. alam kung tuloy na tuloy na ang paggaling ko. pagkatapos mas marami na akong kwento. sana magandang balita pero kung hindi masyadong maganda alam naman natin na na may purpose si Lord para sa lahat. sa kanya ko na lang pinagkakatiwala ang lahat
Ikaw? naniniwala ka sa miracles?
Jesus looked at them and said, "With man this is impossible, but with God all things are possible." [Matt 19:26)
Jesus looked at them and said, "With man this is impossible, but with God all things are possible." [Matt 19:26)
Subscribe to:
Posts (Atom)