Thursday, 27 June 2013

Usapang timbang...NA NAMAN!

hindi pa rin ba bumabalik yung weight ko? or how i look? i mean last time I weigh is around 55 kg na which is fine with me. As a matter of fact I feel better now compare few months back pero eto people are still commenting on my weight, on how I look yada yada. I dunno. sobra ba talagang nagbago hitsura ko since last year? or years back? or possibly because of the meds I'm taking now? I dunno. nakaka frustrate na. I eat more than 3x a day na. tapos right now yung girth ng arms ko feeling ko bumalik na sya lalo na pag sinusuot ko yung damit ko dati. ah basta. nakaka frustrate na. do i look that that bad ba? did it drastically took toll on me ba talaga? when I can i look good ba? yung tipong wala na silang ma comment about me. ayoko lang kasi na ako yung center ng pinaguusapan. or yung center ng kwento. ah basta na ewan. 

*************
anyway, finally, my job na ako ulit. at least ginagawa ko yung pinag-aralan ko. And to tell you honestly, natutuwa ako. though medyo mababa yung sweldo talga pero hindi ko rin naman nakikitang tatagal ako e. I mean few months from now kung papayagan ako, balik immersion ulit. Pero sana next year pa mag start. nakakalungkot e. masaya na ako sa kinalalagyan ko so far ah. pero i know everything will fall in to God's plan. sana talaga. 

Saturday, 8 June 2013

The Return of the Comeback

hello blogworld! hehehe i'm back! and hopefully medyo tumagal tagal din ako sa pagblog again. actually, tingin ko nga, pag hindi ako nagbla blog means something better is happening e however gusto ko rin namang  magkwento and share yung experience ko and meron akong ma "look back" ika nga after all these heheh
-----
well, for starters, i think my health is slowly going back to normal na. i'm on my 4th month of TB meds, actually, babalik ako sa monday para kumuha na ng pang 5th month ko so malapit na kaunting tiis na lang matatapos na ako (yihee!). I've had second refill na of my ARV meds na rin. medyo nasasanay na ako sa pagiinom pero at isang MALAKING PERO..ung adherance ko! grabe sobrang bagsak kasi late ako nagigising so hindi ko alam kung tama na ang ginagawa ko pero I make sure na I take it pa din naman. tapos yung medyo late na rin ang pagtulog ko. i don't know kung dahil sa side effect ng meds kaya medyo late ako nakakatulog or dahil sa late lang talga akong nagigising. tinatamad na ako sa bahay. walang magawa. kaya tuloy wala nakatunganga ako. and I think that's not healthy either and speaking of which...
-------
sinusubukan kong maghanap ngayon ng work! opo! gusto kong maging productive ulit. simulat simula pa naman ayaw ko talga sa walang ginagawa. pero iniisip ko yung studies ko so ewan ko kung anong magagawa ko dun. yung sanang madali akong makaalis para i wouldn't have any problem pag na sched na ako ng school ko sa mga defence and all. may mga inapplyan ako sa may makati at sa real estate parang ganun. at the same time yung finances ko. though binibigyan ako ng allowance ng parents ko, pero una nakakakhiya na binibigyan ako, pangalawa gusto ko rin ng may pandagdag na kita dahil sa mga binabayaran ko na bills. well, basically, ayaw ko talga ng WALANG GINAGAWA and i'm so bored na dito sa bahay. sobrang nakakasira lang ng araw talga mga tao dito sa bahay. 
-------------
I prefer na ako na nga lang magisa e at least hindi ko masyado intindihin ang mga tao dito pero oh well, etong mga kasama ko dito e wala rin madami kang masasabi na hindi maganda probably dahil sa the way I was brought up not that i'm belittling them or anything pero sana naman di ba medyo maayos sila tsaka basta iba kasi ako sa labas ng kwarto. ayaw ko ng may minamaliit, ayaw ko ng madumi at makalat. tsaka etong mga kasama ko walang nagturo sa kanila nung lumalaki so feeling ko dapat ako yung magturo. pero next time ko na kwento ko yun. 

Tuesday, 12 March 2013

Second day

Second day of my immersion at parang ang dami dami ng gagawin! May exam sa Friday, may discussion bukas (which is Hindi ko pa natatapos) at Naku ung project! Ang Hirap mag revised ng project magisa Hindi pa naman ako creative na nilalalang. Nakakainis! Actually I feel way better na since I started kahapon kaya medyo confident na ako sa mga bagay bagay pero sa halos dalawang buwan ng pagpapahinga ko ang dami ko ng nakalimutan! Ang dami ko ng Hindi alam gawin. Naiinis ako. Lagot ako bukas e maraming gagawin panigurado masusubukan na ulit ako Hindi pa ako nagaaral! Ano ba yan! Ang dami dami talaga bigla ako na overwhelmed! Ang gulo!!

Sunday, 10 March 2013

Of Fever and Corticosteroids

after two weeks of prednisone 35 mg twice a day, nagshift na ako to 15 mg twice a day and bigla naman ako nagka fever! labo! ano yun kulang pa ba yung dalawang linggo for my immune system to fight this infection? kulang pa ba yung dalawang linggo for the meds to work? bukas magbabalik na ako sa community. bigla tuloy akong nagdalawang isip. I woke up this morning feeling ok and then after driving yung food sa birthday ng pamangkin ko dun sa place I decided to go back home kasi feeling ko hindi ako nakatulog ng maayos. and then ayun pagkagising ko may fever ako. 38-38.3C. based on my research probably daw sa biglaang pagbaba ng iniinom ko na prednisone kasi biruin mo from 70 mg a day magiging 30 mg a day eh and increments pala dapat is 5 mg.  I dunno. bigla naman nawala yung fever ko ngayong umaga. kasi siguro umaga. ewan ko lang sa gabi. kagabi kasi I decided to take paracetamol to bring the fever down kaya kinulang ako sa tulog. pero ayun nga low grade fever lang naman unlike before na umaabot ako ng 40C. ano tutuloy ko pa ba yung pagpasok ko bukas? parang kaya ko e. half day lang naman halos tsaka ang problema ko na lng is yung pagkain ko. when ako ako kakain? when ako iinom ng gamot for the TB? will I be able to wake up earlier just to drink it and eat breakfast? or dun na lng ako sa pupuntahan namin makakakin ako. na realized ko, madalas nalilimutan ko kumain gaya nung nangyari nung isang araw. kaya pala hilong hilo ako sa SM north kasi hindi ako nag lunch and nung kumain ako nanginginig na ako kaya sa sasakyan ako kumain. sobrang pabaya talga ako sa sarili ko. abuso. i'm sorry my body. temple ka nga pala. pero kailangan ko lang talga etong week na to ng matapos na tapos ayun pahinga na ulit. let's see. kung magka fever ako tonight ibig sabihin I need longer duration ng prednisone therapy.  If not, probably dun lang sa abrupt na bagsak ng prednisone ko.

Friday, 8 March 2013

Gaining/Losing Weight

I called my DOTS hub informing them that i won't be able to go to my scheduled date of refill so I had to to drive that same day just for me to get my refill of TB meds. nun. last month my weight was 51.5 kg according to their scale. tapos nung tinimibang na nila ako it was 52 kg na. barely a month and I gained .5 kg already which is not bad. I'm not sure if I want to go back to my original weight which was around 58 kg pero at least hindi na ako nag 48 kg unlike few weeks back when I was having fever symptoms. pero ang weird kasi nagdala ng timbangan tita ko this time and pag timbang  ko is around 50 kg lang ako. cguro yung 2 kg na yun accounted dun sa maong pants, shirt na suot ko and all pero i don't think that would sum na maging 2 kg.

People are trying to get me back sa weight ko before, my tito, my tita, my parents na at least hindi na na masyado nag-aalala ngayon which is not bad talaga naman kasi I lost almost 10 kg pero I keep on telling them that gaining weight especially with my condition is difficult kasi naman yung metabolism nung sakit ay mataas and gaining weight don't just happen overnight. I didn't lose all the weight din naman overnight.  It took several months before i lost the 10 kg. well except for the fluctuating 2 kg na nalo-lose ko in a matter of days few weeks back pero syempre it takes a while. It helps din na i'm always sleepy kaya siguro napre-preserve din ung weight ko pero ayun nga kailangan na unti unti din naman. even sa journals says na it will take a while before you get back your weight after treatment e lalo pa kaya during treatment diba. i'm more worried sa TB dahil ito kasi yung nakikita e.

 I should have checked na rin pala my CBC if my hemoglobin is back to normal though I think it should be back by now since if anemia-induced yun prednisone should have done it's job already (i've been taking prednisone for two weeks now and i'm about to taper it na) so ayun. nakakatamad pa naman uminom ng ferrous and I had history before na i threw up after taking it for some reason I never found out so I guess it's not it. baka kulang lang sa tulog. right now hinihikab nga ako e because I had to wake up and go to the john once or twice ata last night. na realized ko it's sign of diabetes or prostate enlargement pero i'm too young to have enlarged prostate so kinakatakuatan ko yung former. haay bahala na. unahin ko na muna tong weight gain na to. saka na yung iba

Thursday, 7 March 2013

Immersion na Ulit

admin texted me and told me na I can start with what i've missed few weeks ago.  excited na ako. nabo-bore na ako e. tsaka at the same time gusto ko ng matapos ang dapat matapos. biruin mo isang linggo na lang sana, tapos hindi ko pa natapos ang 8 weeks kong immersion. sayang naman diba. kung hindi lang ako na confined sana tuloy tuloy na ako. pero kung hindi naman ako na confined kasi baka kung ano ng nangyari sa akin dahil nung time na yun (january) bumagsak naman kasi ang electrolytes ko in spite of kakakinom ng mga gamot for dehydration. baka kung ano pang nangyari at nag arrrest ako bigla because of diarrhea. ang pangit naman dun diba, death by diarrhea ewwww. kaya ok lang. buti na lng the admin is very accomodating. pagkatapos sana ng confinement ko gusto ko na sanang bumalik pero I had to process everything pa for me to get the meds and with my CD4 na na mababa, I decided na hindi pa time for me to be exposed sa mga sakit na baka bigla na lng akong mahawa. so kailangan house arrest muna until my CD4 increases. tapos biglang nagstart pa yung TB IRIS ko na hindi ko alam kung bakit hindi makapag decided yung ID doctor dati e samantalang it's all over the journals on how to treat it. kaya yun nabulilyaso ang pagbalik ko. so heto magtry ako ulit bumalik sa monday. matapos ko lang at least itong one week na to (or two weeks ata) just for me to finish my immersion magsta-start na pala ang holy week at hindi na rin ako makakasabay sa mga kasama ko kaya no choice. unless na ubusin ko ang summer ko. which is I think wala namang problema sa akin wala rin naman akong ginagagawa and mukhang malakas na ako after few weeks of treatment. ang sabi naman sa journals e after 2-3 weeks of treatment ng TB you can go back to work na. and I don't think na mae-exposed pa ako with anything dahil may prophylaxis na naman ako, i'm taking the right meds na namana to increase my CD4 and i'm taking TB meds pa so ayun I guess combo na yun to protect myself with anything. and wala na rin ako fever so far which is good. hopefully by end of the second month ng treatment mag negative na ako and mag respond agad ako sa treatment

Wednesday, 6 March 2013

Missed Meds

I tried counting the TB meds with me before i get a refill. kaya lang may problem. sobra ng tatlong meds. hindi ko alam kung anong nangyari, i've been taking the meds religiously every morning knowing the possibility of multi drug resistant and gusto ko talgang gumaling agad pero somewhere along the way it seems I've forgotten to take my TB meds ng isang araw. ang labo nga e. pero binilang ko talaga, may na missed talaga akong araw. ewan ko kung eto yung nagluluto ako every morning para sa breakfast namin. ewan ko. natatakot tuloy ako baka hindi ako gumaling agad and worst maging multi drug resistant yung sakit. pero based naman sa nabasa ko a single missed in dose doesn't necessarily mean na magiging drug resistant agad. tsaka once pa lang naman nangyari e. ang problema, ang once puede maging twice, puede maging thrice and i've got a long, long, long way to go. hanggang August pa halos ang treatment ko sa TB. naisip ko tuloy bumili ng calendar siguro sa kwarto para sulatan kung nakainom ako ng TB meds ko. naisip ko din na itanong sa DOTS kung puede kung sulatan yung card na binigay nila tutal mukhang hindi naman nila ata sinusulatan yun e. ako na lang magsususlat at least alam ko na hindi ako nakaka miss ng meds. natatakot tuloy ako.

kamusta na kaya ang hemoglobin ko? last time we checked asa 109. normal is around 130. pinapainom ako ng ferrous sulfate pero kung hindi naman iron deficiency yun, balewala din. mukhang ang taas taas ng iron ko sa katawan para maging deficient. pero may time na nahihilo ako. malamang sa antok. or sa prednisone. just reminds me, i have to taper down my dose of prednisone na this week. mukhang nagwo-work naman sya. i was able to sleep na may ac na kagabi, though I still wake up just to go to the john din. hopefully, after 6 months maging ok na ang lahat. natatakot lang ako sa relapse and re infection. magiingat na lang ako ulit cguro.

Monday, 4 March 2013

Bored

i'm starting to get bored. it's been a month since I stopped with what i was doing to give a chance to my health and now i'm bored. I mean kaya ko naman sana pa e. with all the meds, I think I can still survive the remaining 2 months since puro madadali lang naman ang kailangang kong tapusin, un nga lang may puyatan ulit but nonetheless after a year of sleepless nights, my CD4 count is not really that bad.  2 years of not taking any meds, CD4 count is not that bad, though sobrang obvious ng TB na kailangan kong i-treat. and if hindi ko sya i-treat baka lumalala. and I need my CD4 to do that. actually, what worried me nung huli is nung nag negative na ako sa PPD meaning I don't have enough antibodies to sustain the PPD anymore.  last year lumaki pa sya ng lumaki e. ngayon wala na. 

pero that doesn't discount the fact that I'm bored now. gusto ko na talgang may ibang gawin. ang tagal ng 6 months. even ung 2nd month for the sputum test. i'm not sure nga kung AFB ang papagawa sa akin or un geneXpert pa din. sa AFB kasi negative ako. sa geneXpert ako nahuli. hindi naman kasi ako marunong dumahak and wala akong ubo or plema. CXR lang talga na before is fibrosis lang ang nakita tapos nung tumagal they're considering PTB na. naisip ko, should they treat me ba agad with rifampicin or dapat nag isoniazid muna ako? well, they're the doctors.  yung ID nga dun sa hub ko ang hirap kausap. I mean, I read stuff so kahit papaano I ask a lot of things. 

Hindi ko na alam kung ano pang movies ang ida-download ko. pati books, ang hirap naman magbasa ng magbasa lalo lang aantukin. tapos paubos pa ng paubos ang pera ko magbabayad pa ako sa philhealth buti na lang may 3 months pa ako bago bumalik for a refill. thank God wala namang ibang side effects so far yung mga gamot na iniinom ko. ang kinakatakot ko is yung rashes e kasi magiging obvious. or maitim lang talaga ako kaya hindi halata hahaha. bahala na. basta I'm bored. Cge na nga,  time to watch movies ulit hanggang matapos ang araw. 

Saturday, 2 March 2013

Pangarap

medyo nagiging ok na ako. nasasanay na ako sa meds na naiinom ko. it's my third day of waking up without any fever and nakakapag bukas na rin ako ng aircon. ang init kasi kaya minsan wala ng choice. pero nonetheless no fever. nakakatulog na rin ako ng maayos ngaun in spite of the Efavirenz na prinescribe sa akin. hindi tulad noon na talagang toss and turn ako sa bed para lang makatulog. though there are times that I would wake up at night just to pee siguro na rin sa sobrang dami ng tubig na iniinom ko the night before. napapadami na rin ang kain ko ngayon. wala na rin ako ng episodes of vomiting. though talagang ang prednisone nakakakantok once I take it talagang aantukin talga ako. idagdag pa dyan ang may pagkaburning sensation sa feet ko na peripheral neuropathy. pero tolerable naman sya so ok lang. medyo bothering lang. i'm not sure kung kailangan kong pa check up pa sa ibang doctor dahil sa hub kung san ako nagpapacheck up medyo nababa-badtrip pa ako sa mga tao doon. though yung doctor ko kahit papapaano nakakausap ko. kaya lang hindi pala sya ID. at ung ID talaga nila ang hirap kausapin. parang if ever pagbibigyan pa ako ulit maging doctor, parang gusto ko mag ID. tapos specialized sa TB and HIV para matulungan yung mga taong affected ng sakit. dahil sa panahong ganito, hindi lang basta gamot at test ang kailangan nila kung hindi kahit yung tipong doctor na makakausap talaga. yung doctor na makakapag paramdam na ginagawa ko ang lahat para sa yo at alam ko ang nababagay sayo dahil gusto kitang tulungan. hindi yung nagmamagalin na doctor lang. sana talaga kung pagbibigyan ako ulit magkaroon ako ulit ng ganung pagkakataaon. sana sa 6th month ko ang CD4 ko umangat ng mga 500. gusto ko nga  sanang ma check na ang CD4 ko pati viral load kaya lang mahal kailangang pag ipunan ko pa. tamang tama lang ang after 6 months. hopefully malakas na ako nun. sana makapagtrabaho na rin ako.

Thursday, 28 February 2013

No more fever

sa wakas! naka open ang fan pati ung window tapos walang fever. after almost 6 days of prednisone I guess everything paid off. pero may 3 weeks pa ako para magtake ng prednisone so I still need to be constant vigilant. besides, it's my immune system that is being monitored. every after meal i try to eat fruits. tapos yung sleep ko nagiging 7 hours na sya complete sleep from 11 pm to 6 am-ish to 7ish. so sakto lang for breakfast. kaya lang wala pa rin ung kasambahay namin kaya patalo pa din breakfast ko hindi ko alam kung san kukuha. Praise God kasi mukhang everything is going well na.  I just don't know minsan sa mga doctors why are they playing safe if they read it somewhere. I mean tulad na lamang nung doctor dun sa hub ko.  he wants me to be confined to think puede naman OPD ang pagbibigay ng streroids.  as a matter of fact that's the point of the steroids treatment to avoid and prevent hospitalization. mabuti na lamang at yung infectious disease doctor ko sa dating Ospital na text ko at narecommend ako na bgyan ako ng prednisone for weeks which is nababasa ko na talga prior. ang kailangan ko lang is isang ID na magsasabi sa akin ng gagagwin. at the end of 4 weeks, kailangan mabayaran ko si doktora or mabigyan ko ng regalo sa clinic nya. nawa'y magtuloy tuloy na in 4 weeks time.  Thank you Lord.

Wednesday, 27 February 2013

Meds Mixed Up

i mixed up my meds last night!! mali nainom ko! grabe panic attack. i took the missed meds agad as soon as possible. it's been about 5 days already since i've been taking prednisone and I tried pushing the limits by turning on the air-con tsaka medyo itapat ng kaunti sa akin un fan. mali pala nag breakdown ako ng fever around 38C kagabi so meaning hindi pa talaga puede.  I need to endure yung pagiging mainit sa gabi. hanggang kailan ko kaya kailangan inumin ung prednisone? sabi sa literature 1 month. pero the way things are going mukhang kailangan longer. 

Oo nga pala talked to my parents already medyo kumalma na sila nung nagkausap sila ng tita ko. siguro nasabbi naman na hindi naman ako grabe sa payat at bed ridden and all. kailangan ko lang talaga is uminom ng gamot para sa TB pagktapos after 6 months hopefully magaling na ako. very supportive naman sila lalo na sa financial. buti na lang dahil wala na rin akong halos naipon naubos na hindi ko alam kung bakit. dami ko pang binababayaran na ca credit card na hopefully etong pag quit ko e mabayaran ko na muna within 6 months. hay. 6 months wala akong ginagawa. either dahil sa TB kasi or dahil sa CD4. saan kaya ako puede makapagpa CD4 na hindi kailangan ng doctor's orders? just reminds me asikasuhin ko pa pala ung philhealth ko within the next 3 months. sana maayos ko to lahat lahat bago makarating sina mommy and daddy dito sa March. Gusto kong bumuti at makaattend sa graduation ng kapatid ko sana. kaya lang 2nd month ko pa ung malalalaman yun e. genexpert pa din kaya kailangan ko or ung regular na AFB na lang, kasi sa regular na AFB nagne-negative ako e. sa geneexpert lang naman ako nahuli. Ah basta as of now these are the things na kailangan ko: (1) gain weight (2) improve my immune system (3) inom lang ng meds (4) hopefully I can survive TB iris. (5) tsaka pala maligo. nagising ako na nilalalangaw na ako (ewwww) one day pa lang naman akong hindi naliligo. pero siempre pinagpapawisan kasi ako so I think kailangan ko na maligo inaa-asseess ko pa kung puede na ba akong maligo siempre.  buti nga ngayon mga 2 or 3 days straight na ako  nakakatulog ng maayos in spite of the of the meds i'm taking. hopefully. magtuloy tuloy tuloy na. To God be the Glory

Tuesday, 26 February 2013

Pagbisita ni Tita

dumaan tita ko kagabi. medyo relieved ako dahil kahit papaano makikita na ng dad and mom ko na wala naman masyadong ika worry sa sakit ko. i just need to gain some weight that's all. pero yun nga nga lang it'll take a while. nagdala sya ng madaming prutas at mga pang nilaga. yun yun ung gusto ko ngaun e. yung mga may sabaw dahil minsan nasususka ko. well, at least hindi pa naman ako totatally nasuka. yung feeling lang na naduduwal kapag kumakain. pag nagbigay naman kasi sila ng kanin gabundok. iniisip ko, kailangan ko ata is protein hindi masyado sa carbo. kasi nagiging fat lang sa tyan lalo na't prone ako sa lipodystrophy. kailangan ko makabili ng protein shake pero nde ko alam kung papaano. susubukan kong lumabas later. wala na rin kasing tubig tyaka bibili pa ako ng gamot. naubusan na ako ng prednisone e sa Mercury Drug lang nabibili yung ganun. kaya lang nag fever kasi ako kahapon ng umaga tsaka kagabi kaya let's see kung kaya ko.



"..in that day, i will restore the fallen house of David, i will repair its damaged walls From the ruins I will rebuild it and restoree its former glory and Israel will possess what is left of Edom and all the nations I have called to be mine.  The Lord has spoken and He will do these things..." [Amos 9:11-12]

Monday, 25 February 2013

another oh noes

patay even tita is getting overly concerned na. nagtext ba naman this morning and she wants to bring me to St. Luke's for second opinion. baka pag dinala nya pa ako dun may makita pa sila dun. wala na it baka kailangan i disclose ko na sa family ko. pero sa tita ko hindi ko sasasabihin ayaw ko sana sabihin outside ng family if ever na idi-disclose ko pero as long as we're still treating TB go lang. i'll stick with the TB diagnosis. yun naman talaga ang diagnosis sa akin e. nagkataon lang na nagka TB iris ako. hopefully everything will be ok after the one month prednisone treatment. i'm still on my 4th day pa lang naman e and i'm seeing some results na. though some literature says that symptoms recur after a month of prednisone treatment. naway hindi mangyari sa akin yun. kailangan  ko lang palakasin immune system ko to fight off the infection

Sunday, 24 February 2013

Oh noes

parents are getting haywire again. i mean. sabi ko na nga sa kanila na nagti-treat ako for TB kaya i lost some weight. natatakot na naman sila. uuwi pa ng maaga ang mom ko. yung dad ko gustong umuwi ng maaga from africa para lang daw makita ako. ang sa akin naman basahin nila yung treatment ng TB at manifestations ng TB para at least alam nila yung nangyayayri. alam naman nila na 6 months ang gamutan na to e. tapos saka  ka ngayon lalalakas. last time na nagtimbang naman ako naglalaro sa 49 kg- 50 kg BMI 18.8 which is almost underweight pero the point is lumlalakas na ako. ang problema ko lang etong TB IRIS. nagpre-predisone na ako third day na 35 mg twice a day. Paktatapos nun eto pang effect ng efavirenz na hindi ako makatulog sa gabi matapos kung inumin. akala ko ba nakakaantok ang efavirenz? any tips naman dyan para mapigil ang effect ng efavirenz sa pagtulog? i'm taking lamivudine tenofovir at efavirenz e. sa efavirenz ata ako nagkakagulo ang buhay ko hahhahaa


Do You Believe in Miracles?

ako OO. ilang beses na akong nakaranas ng miracles.

last time nung muntik ng mabanga yung sasakyan ko. miracle sa akin yun. lalo na yung nabangga yung sasakyan ko. miracle sa akin yun at ligtas ako. pero isang miracle sa akin ay eto andito ako ngayon nagbla-blog ulit. hindi dahil sa wala na naman akong ginagawa kung hindi dahil kahit papaano matapos ang halos anim na buwan na bout ng diarrhea dahil sa HIV, at ngayon may TB IRIS ay malakas lakas na ako upang makapag kwento ulit, makapagshare ulit kung sino man ang gustong makinig.  

alam kung magtutuloy tuloy na to. alam kung tuloy na tuloy na ang paggaling ko. pagkatapos mas marami na akong kwento. sana magandang balita pero kung hindi masyadong maganda alam naman natin na na may purpose si Lord para sa lahat. sa kanya ko na lang pinagkakatiwala ang lahat

Ikaw? naniniwala ka sa miracles?


Jesus looked at them and said, "With man this is impossible, but with God all things are possible." [Matt 19:26)