Tuesday, 12 March 2013

Second day

Second day of my immersion at parang ang dami dami ng gagawin! May exam sa Friday, may discussion bukas (which is Hindi ko pa natatapos) at Naku ung project! Ang Hirap mag revised ng project magisa Hindi pa naman ako creative na nilalalang. Nakakainis! Actually I feel way better na since I started kahapon kaya medyo confident na ako sa mga bagay bagay pero sa halos dalawang buwan ng pagpapahinga ko ang dami ko ng nakalimutan! Ang dami ko ng Hindi alam gawin. Naiinis ako. Lagot ako bukas e maraming gagawin panigurado masusubukan na ulit ako Hindi pa ako nagaaral! Ano ba yan! Ang dami dami talaga bigla ako na overwhelmed! Ang gulo!!

Sunday, 10 March 2013

Of Fever and Corticosteroids

after two weeks of prednisone 35 mg twice a day, nagshift na ako to 15 mg twice a day and bigla naman ako nagka fever! labo! ano yun kulang pa ba yung dalawang linggo for my immune system to fight this infection? kulang pa ba yung dalawang linggo for the meds to work? bukas magbabalik na ako sa community. bigla tuloy akong nagdalawang isip. I woke up this morning feeling ok and then after driving yung food sa birthday ng pamangkin ko dun sa place I decided to go back home kasi feeling ko hindi ako nakatulog ng maayos. and then ayun pagkagising ko may fever ako. 38-38.3C. based on my research probably daw sa biglaang pagbaba ng iniinom ko na prednisone kasi biruin mo from 70 mg a day magiging 30 mg a day eh and increments pala dapat is 5 mg.  I dunno. bigla naman nawala yung fever ko ngayong umaga. kasi siguro umaga. ewan ko lang sa gabi. kagabi kasi I decided to take paracetamol to bring the fever down kaya kinulang ako sa tulog. pero ayun nga low grade fever lang naman unlike before na umaabot ako ng 40C. ano tutuloy ko pa ba yung pagpasok ko bukas? parang kaya ko e. half day lang naman halos tsaka ang problema ko na lng is yung pagkain ko. when ako ako kakain? when ako iinom ng gamot for the TB? will I be able to wake up earlier just to drink it and eat breakfast? or dun na lng ako sa pupuntahan namin makakakin ako. na realized ko, madalas nalilimutan ko kumain gaya nung nangyari nung isang araw. kaya pala hilong hilo ako sa SM north kasi hindi ako nag lunch and nung kumain ako nanginginig na ako kaya sa sasakyan ako kumain. sobrang pabaya talga ako sa sarili ko. abuso. i'm sorry my body. temple ka nga pala. pero kailangan ko lang talga etong week na to ng matapos na tapos ayun pahinga na ulit. let's see. kung magka fever ako tonight ibig sabihin I need longer duration ng prednisone therapy.  If not, probably dun lang sa abrupt na bagsak ng prednisone ko.

Friday, 8 March 2013

Gaining/Losing Weight

I called my DOTS hub informing them that i won't be able to go to my scheduled date of refill so I had to to drive that same day just for me to get my refill of TB meds. nun. last month my weight was 51.5 kg according to their scale. tapos nung tinimibang na nila ako it was 52 kg na. barely a month and I gained .5 kg already which is not bad. I'm not sure if I want to go back to my original weight which was around 58 kg pero at least hindi na ako nag 48 kg unlike few weeks back when I was having fever symptoms. pero ang weird kasi nagdala ng timbangan tita ko this time and pag timbang  ko is around 50 kg lang ako. cguro yung 2 kg na yun accounted dun sa maong pants, shirt na suot ko and all pero i don't think that would sum na maging 2 kg.

People are trying to get me back sa weight ko before, my tito, my tita, my parents na at least hindi na na masyado nag-aalala ngayon which is not bad talaga naman kasi I lost almost 10 kg pero I keep on telling them that gaining weight especially with my condition is difficult kasi naman yung metabolism nung sakit ay mataas and gaining weight don't just happen overnight. I didn't lose all the weight din naman overnight.  It took several months before i lost the 10 kg. well except for the fluctuating 2 kg na nalo-lose ko in a matter of days few weeks back pero syempre it takes a while. It helps din na i'm always sleepy kaya siguro napre-preserve din ung weight ko pero ayun nga kailangan na unti unti din naman. even sa journals says na it will take a while before you get back your weight after treatment e lalo pa kaya during treatment diba. i'm more worried sa TB dahil ito kasi yung nakikita e.

 I should have checked na rin pala my CBC if my hemoglobin is back to normal though I think it should be back by now since if anemia-induced yun prednisone should have done it's job already (i've been taking prednisone for two weeks now and i'm about to taper it na) so ayun. nakakatamad pa naman uminom ng ferrous and I had history before na i threw up after taking it for some reason I never found out so I guess it's not it. baka kulang lang sa tulog. right now hinihikab nga ako e because I had to wake up and go to the john once or twice ata last night. na realized ko it's sign of diabetes or prostate enlargement pero i'm too young to have enlarged prostate so kinakatakuatan ko yung former. haay bahala na. unahin ko na muna tong weight gain na to. saka na yung iba

Thursday, 7 March 2013

Immersion na Ulit

admin texted me and told me na I can start with what i've missed few weeks ago.  excited na ako. nabo-bore na ako e. tsaka at the same time gusto ko ng matapos ang dapat matapos. biruin mo isang linggo na lang sana, tapos hindi ko pa natapos ang 8 weeks kong immersion. sayang naman diba. kung hindi lang ako na confined sana tuloy tuloy na ako. pero kung hindi naman ako na confined kasi baka kung ano ng nangyari sa akin dahil nung time na yun (january) bumagsak naman kasi ang electrolytes ko in spite of kakakinom ng mga gamot for dehydration. baka kung ano pang nangyari at nag arrrest ako bigla because of diarrhea. ang pangit naman dun diba, death by diarrhea ewwww. kaya ok lang. buti na lng the admin is very accomodating. pagkatapos sana ng confinement ko gusto ko na sanang bumalik pero I had to process everything pa for me to get the meds and with my CD4 na na mababa, I decided na hindi pa time for me to be exposed sa mga sakit na baka bigla na lng akong mahawa. so kailangan house arrest muna until my CD4 increases. tapos biglang nagstart pa yung TB IRIS ko na hindi ko alam kung bakit hindi makapag decided yung ID doctor dati e samantalang it's all over the journals on how to treat it. kaya yun nabulilyaso ang pagbalik ko. so heto magtry ako ulit bumalik sa monday. matapos ko lang at least itong one week na to (or two weeks ata) just for me to finish my immersion magsta-start na pala ang holy week at hindi na rin ako makakasabay sa mga kasama ko kaya no choice. unless na ubusin ko ang summer ko. which is I think wala namang problema sa akin wala rin naman akong ginagagawa and mukhang malakas na ako after few weeks of treatment. ang sabi naman sa journals e after 2-3 weeks of treatment ng TB you can go back to work na. and I don't think na mae-exposed pa ako with anything dahil may prophylaxis na naman ako, i'm taking the right meds na namana to increase my CD4 and i'm taking TB meds pa so ayun I guess combo na yun to protect myself with anything. and wala na rin ako fever so far which is good. hopefully by end of the second month ng treatment mag negative na ako and mag respond agad ako sa treatment

Wednesday, 6 March 2013

Missed Meds

I tried counting the TB meds with me before i get a refill. kaya lang may problem. sobra ng tatlong meds. hindi ko alam kung anong nangyari, i've been taking the meds religiously every morning knowing the possibility of multi drug resistant and gusto ko talgang gumaling agad pero somewhere along the way it seems I've forgotten to take my TB meds ng isang araw. ang labo nga e. pero binilang ko talaga, may na missed talaga akong araw. ewan ko kung eto yung nagluluto ako every morning para sa breakfast namin. ewan ko. natatakot tuloy ako baka hindi ako gumaling agad and worst maging multi drug resistant yung sakit. pero based naman sa nabasa ko a single missed in dose doesn't necessarily mean na magiging drug resistant agad. tsaka once pa lang naman nangyari e. ang problema, ang once puede maging twice, puede maging thrice and i've got a long, long, long way to go. hanggang August pa halos ang treatment ko sa TB. naisip ko tuloy bumili ng calendar siguro sa kwarto para sulatan kung nakainom ako ng TB meds ko. naisip ko din na itanong sa DOTS kung puede kung sulatan yung card na binigay nila tutal mukhang hindi naman nila ata sinusulatan yun e. ako na lang magsususlat at least alam ko na hindi ako nakaka miss ng meds. natatakot tuloy ako.

kamusta na kaya ang hemoglobin ko? last time we checked asa 109. normal is around 130. pinapainom ako ng ferrous sulfate pero kung hindi naman iron deficiency yun, balewala din. mukhang ang taas taas ng iron ko sa katawan para maging deficient. pero may time na nahihilo ako. malamang sa antok. or sa prednisone. just reminds me, i have to taper down my dose of prednisone na this week. mukhang nagwo-work naman sya. i was able to sleep na may ac na kagabi, though I still wake up just to go to the john din. hopefully, after 6 months maging ok na ang lahat. natatakot lang ako sa relapse and re infection. magiingat na lang ako ulit cguro.

Monday, 4 March 2013

Bored

i'm starting to get bored. it's been a month since I stopped with what i was doing to give a chance to my health and now i'm bored. I mean kaya ko naman sana pa e. with all the meds, I think I can still survive the remaining 2 months since puro madadali lang naman ang kailangang kong tapusin, un nga lang may puyatan ulit but nonetheless after a year of sleepless nights, my CD4 count is not really that bad.  2 years of not taking any meds, CD4 count is not that bad, though sobrang obvious ng TB na kailangan kong i-treat. and if hindi ko sya i-treat baka lumalala. and I need my CD4 to do that. actually, what worried me nung huli is nung nag negative na ako sa PPD meaning I don't have enough antibodies to sustain the PPD anymore.  last year lumaki pa sya ng lumaki e. ngayon wala na. 

pero that doesn't discount the fact that I'm bored now. gusto ko na talgang may ibang gawin. ang tagal ng 6 months. even ung 2nd month for the sputum test. i'm not sure nga kung AFB ang papagawa sa akin or un geneXpert pa din. sa AFB kasi negative ako. sa geneXpert ako nahuli. hindi naman kasi ako marunong dumahak and wala akong ubo or plema. CXR lang talga na before is fibrosis lang ang nakita tapos nung tumagal they're considering PTB na. naisip ko, should they treat me ba agad with rifampicin or dapat nag isoniazid muna ako? well, they're the doctors.  yung ID nga dun sa hub ko ang hirap kausap. I mean, I read stuff so kahit papaano I ask a lot of things. 

Hindi ko na alam kung ano pang movies ang ida-download ko. pati books, ang hirap naman magbasa ng magbasa lalo lang aantukin. tapos paubos pa ng paubos ang pera ko magbabayad pa ako sa philhealth buti na lang may 3 months pa ako bago bumalik for a refill. thank God wala namang ibang side effects so far yung mga gamot na iniinom ko. ang kinakatakot ko is yung rashes e kasi magiging obvious. or maitim lang talaga ako kaya hindi halata hahaha. bahala na. basta I'm bored. Cge na nga,  time to watch movies ulit hanggang matapos ang araw. 

Saturday, 2 March 2013

Pangarap

medyo nagiging ok na ako. nasasanay na ako sa meds na naiinom ko. it's my third day of waking up without any fever and nakakapag bukas na rin ako ng aircon. ang init kasi kaya minsan wala ng choice. pero nonetheless no fever. nakakatulog na rin ako ng maayos ngaun in spite of the Efavirenz na prinescribe sa akin. hindi tulad noon na talagang toss and turn ako sa bed para lang makatulog. though there are times that I would wake up at night just to pee siguro na rin sa sobrang dami ng tubig na iniinom ko the night before. napapadami na rin ang kain ko ngayon. wala na rin ako ng episodes of vomiting. though talagang ang prednisone nakakakantok once I take it talagang aantukin talga ako. idagdag pa dyan ang may pagkaburning sensation sa feet ko na peripheral neuropathy. pero tolerable naman sya so ok lang. medyo bothering lang. i'm not sure kung kailangan kong pa check up pa sa ibang doctor dahil sa hub kung san ako nagpapacheck up medyo nababa-badtrip pa ako sa mga tao doon. though yung doctor ko kahit papapaano nakakausap ko. kaya lang hindi pala sya ID. at ung ID talaga nila ang hirap kausapin. parang if ever pagbibigyan pa ako ulit maging doctor, parang gusto ko mag ID. tapos specialized sa TB and HIV para matulungan yung mga taong affected ng sakit. dahil sa panahong ganito, hindi lang basta gamot at test ang kailangan nila kung hindi kahit yung tipong doctor na makakausap talaga. yung doctor na makakapag paramdam na ginagawa ko ang lahat para sa yo at alam ko ang nababagay sayo dahil gusto kitang tulungan. hindi yung nagmamagalin na doctor lang. sana talaga kung pagbibigyan ako ulit magkaroon ako ulit ng ganung pagkakataaon. sana sa 6th month ko ang CD4 ko umangat ng mga 500. gusto ko nga  sanang ma check na ang CD4 ko pati viral load kaya lang mahal kailangang pag ipunan ko pa. tamang tama lang ang after 6 months. hopefully malakas na ako nun. sana makapagtrabaho na rin ako.