Wednesday, 6 March 2013

Missed Meds

I tried counting the TB meds with me before i get a refill. kaya lang may problem. sobra ng tatlong meds. hindi ko alam kung anong nangyari, i've been taking the meds religiously every morning knowing the possibility of multi drug resistant and gusto ko talgang gumaling agad pero somewhere along the way it seems I've forgotten to take my TB meds ng isang araw. ang labo nga e. pero binilang ko talaga, may na missed talaga akong araw. ewan ko kung eto yung nagluluto ako every morning para sa breakfast namin. ewan ko. natatakot tuloy ako baka hindi ako gumaling agad and worst maging multi drug resistant yung sakit. pero based naman sa nabasa ko a single missed in dose doesn't necessarily mean na magiging drug resistant agad. tsaka once pa lang naman nangyari e. ang problema, ang once puede maging twice, puede maging thrice and i've got a long, long, long way to go. hanggang August pa halos ang treatment ko sa TB. naisip ko tuloy bumili ng calendar siguro sa kwarto para sulatan kung nakainom ako ng TB meds ko. naisip ko din na itanong sa DOTS kung puede kung sulatan yung card na binigay nila tutal mukhang hindi naman nila ata sinusulatan yun e. ako na lang magsususlat at least alam ko na hindi ako nakaka miss ng meds. natatakot tuloy ako.

kamusta na kaya ang hemoglobin ko? last time we checked asa 109. normal is around 130. pinapainom ako ng ferrous sulfate pero kung hindi naman iron deficiency yun, balewala din. mukhang ang taas taas ng iron ko sa katawan para maging deficient. pero may time na nahihilo ako. malamang sa antok. or sa prednisone. just reminds me, i have to taper down my dose of prednisone na this week. mukhang nagwo-work naman sya. i was able to sleep na may ac na kagabi, though I still wake up just to go to the john din. hopefully, after 6 months maging ok na ang lahat. natatakot lang ako sa relapse and re infection. magiingat na lang ako ulit cguro.

No comments:

Post a Comment